 | Category: | | Appetizers & Snacks | | Style: | | Other |
Description: BKMC fav appetizer pag gabi, umaga, tanghali, nasa bundok at khit s tabing dagat.
Ingredients: Tenga ng baboy, utak ng baboy, sibuyas, paminta, siling haba at labuyo, toyo, konteng bawang(gayat ng maliliit) butter at itlog kung trip nyo
Directions: - ilaga ang tenga ng baboy gang sa lumbot (patuluin ng maigi ang sabaw nito) - i-ihaw ng bahagya ang tenga ng baboy (pag katpos hugasan upang maalis ang mga sunog sunog na parte o medyo nangitim) - kagayatin ayon sa trip nyong sukat - Painitin ang kawali o hot plate kung nsa bahay, kung na bundok, dalin ang hotplate. hehehe kung nasa tabing ilog, kumuha ng medyo manipis na bato na palapad. - Ilagay ang butter at duon igisa ang sibuyas, bawang, siling haba at labuyo - Isahog ang ginayat na tenga at haluin mabuti upang kumapit ang lasa ng ginisa ihalo n din ang paminta. - Timplahan ng toyo - Haluin ulit maigi, tikman kung ok n ang alat at anghang - ihalo at haluin ng maigi ang utak ng baboy n syang magpapasarap... - pagkahalo, hanguin at ihain habang mainit at mag shot ng GSM blue!
Ayus

 | sarap naman nito kuya deng! san ssunod na trip? |
| |
|