Recipe#0000003 (Ala BKMC sisig style)Jul 21, '05 5:32 AM
for everyone
Category:   Appetizers & Snacks
Style:   Other

Description:
BKMC fav appetizer pag gabi, umaga, tanghali, nasa bundok at khit s tabing dagat.

Ingredients:
Tenga ng baboy, utak ng baboy, sibuyas, paminta, siling haba at labuyo, toyo, konteng bawang(gayat ng maliliit) butter at itlog kung trip nyo

Directions:
- ilaga ang tenga ng baboy gang sa lumbot (patuluin ng maigi ang sabaw nito)
- i-ihaw ng bahagya ang tenga ng baboy (pag katpos hugasan upang maalis ang mga sunog sunog na parte o medyo nangitim)
- kagayatin ayon sa trip nyong sukat
- Painitin ang kawali o hot plate kung nsa bahay, kung na bundok, dalin ang hotplate. hehehe kung nasa tabing ilog, kumuha ng medyo manipis na bato na palapad.
- Ilagay ang butter at duon igisa ang sibuyas, bawang, siling haba at labuyo
- Isahog ang ginayat na tenga at haluin mabuti upang kumapit ang lasa ng ginisa ihalo n din ang paminta.
- Timplahan ng toyo
- Haluin ulit maigi, tikman kung ok n ang alat at anghang
- ihalo at haluin ng maigi ang utak ng baboy n syang magpapasarap...
- pagkahalo, hanguin at ihain habang mainit at mag shot ng GSM blue!

Ayus





marceliseo wrote on Feb 4, '07
sarap naman nito kuya deng! san ssunod na trip?
Add a Comment
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help